Home NATIONWIDE ‘Register Anywhere Program’ target isagawa sa lahat ng LGUs sa sunod na...

‘Register Anywhere Program’ target isagawa sa lahat ng LGUs sa sunod na voter registration

MANILA, Philippines- Balak ng Commission on Elections (Comelec) na maisagawa ang Register Anywhere Program (RAP) sa lahat ng local government units (LGUs) sa susunod na voter registration period.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang hakbang ay tugon sa “mainit na pagtanggap” ng publiko sa RAP.

Sa ngayon, limitado lamang ang RAP sa kasalukuyang voter registration period sa ilang lugar na nagsimula noong Pebrero 12 at magtatapos sa Setyembre 30.

Kabilang sa mga kwalipikadong magparehistro sa RAP ay ang mga naninirahan saan man sa Pilipinas, kung saan kailangang magsumite ng kanilang application form, mga kinakailangang dokumentaryo at pagkuha ng kanilang biometrics.

Ieendorso ang mga dokumento at biometrics data sa RAP team sa Office of the Election Officer ng distrito/lungsod/munisipyo na may hurisdiksyon sa tirahan ng aplikante.

Isinagawa ng Comelec ang pilot test ng RAP sa ilang mall at opisina ng gobyerno sa voter registration activities na ginanap mula Disyembre 12, 2022 hanggang Enero 31, 2023. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleWowowin, nasa TV5 na!
Next articleEnvironmental damages sa Chocolate Hills ‘di malulunasan ng temporary closure ng resort – Nancy