MANILA, Philippines – DIREKTANG sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala namang ginawa ang mga nagdaang administrasyon pagdating sa ‘rehabilitation measures’ para sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang rehabilitasyon ay nagsimula 2 taon pa lang ang nakalilipas, sinabi nito na wala namang ginawa ang mga administrasyon nina dating Pangulo at namayapang Benigno “Noynoy” Aquino III at dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“Even up to now, it’s up to the governors also… and even some of the officials hindi talaga pa tayo mag fully recover, di ko masasabi na naka fully recover na tayo sa Yolanda ,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam.
“With all those rehabilitation, you know we only really started two years ago because nothing was done in the previous administration, nothing was done in the administration before that so 12 years on, ngayon pa lang talaga natin naasikaso nang mabuti,” dagdag na wika nito.
Taong 2016, binatikos ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rehabilitation efforts ng gobyernong Aquino para sa mga survivors ng super typhoon, lalo na sa pagbibigay ng masisilungan ng mga ito.
Noong nakaraang taon, nanawagan si Pangulong Marcos sa mga Filipino na alalahanin ang mga biktima ng Yolanda na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nabibilang. Kris Jose