Home NATIONWIDE Zaldy Co posibleng nasa Portugal pa, pagbalik sa Pinas posible rin –...

Zaldy Co posibleng nasa Portugal pa, pagbalik sa Pinas posible rin – Remulla

231
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na pinaniniwalaang nasa Portugal pa rin ang dating mambabatas na si Zaldy Co, ngunit hindi isinasantabi ng mga awtoridad ang posibilidad na nakabalik na ito sa Pilipinas.

“Nandoon siya sa Portugal… Pero hindi namin idi-discount baka nakauwi na rito kaya lahat ng mga bahay-bahayan niya, lahat ng mga lugar niya ay sini-serve namin ng warrant of arrest,” ani Remulla.

“Hindi mo pwede sabihin na hindi siya nakabalik. Hindi mo pwede i-rule out. Kailangan niyan lahat ng anggulo pinag-aaralan nang husto,” dagdag niya.

Ayon kay Remulla, may mga video umanong nakunan na nagpapakitang nasa Portugal si Co.

Noong Nobyembre 2025, inilabas ang mga warrant of arrest laban kay Co at iba pa, kabilang ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga direktor ng Sunwest Corp., kaugnay ng umano’y anomalous flood control projects.

Nauna nang nagsampa ang Ombudsman sa Sandiganbayan ng kasong korapsyon at malversation of public funds laban kay Co at iba pa kaugnay ng P289 milyong flood control project sa Oriental Mindoro. Itinanggi ni Co ang mga paratang.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, magsisimula ang paglilitis sa kaso laban kay Co sa Enero 20. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here