Home HOME BANNER STORY Zambo del Norte inuga ng M-6.1 quake

Zambo del Norte inuga ng M-6.1 quake

MANILA, Philippines- Inuga ng magnitude 6.1 na lindol ang Zamboanga del Norte nitong Huwebes ng umaga, Enero 23, 2025.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang intensity 4 na lindol sa lungsod ng Zamboanga.

Sinabi ng Phivolcs na naramdaman ang lindol dakong alas-11:41 ng umaga sa silangan ng Siocon, Zamboanga del Norte.

Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim ng lindol ay 032 kilometro.

Inaasahan ang pinsala at aftershocks sa naturang lindol. Santi Celario