Home NATIONWIDE Zero dengue deaths sa 2030 na adbokasiya ng PMA, suportado ng DOH

Zero dengue deaths sa 2030 na adbokasiya ng PMA, suportado ng DOH

MANILA, Philippines – Suportado ng Department of Health (DOH) ang Philippine Medical Association (PMA) sa adbokasiya nito na ‘zero dengue death’ sa 2030.

Sa ikalawang Dengue Summit, sinabi ni Herbosa na ang pagbaba ng bilang ng mga namatay na naiuugnay sa dengue ay posible.

Giit ni Herbosa, talagang mapapababa ang death rate kung mapapababa rin ang insidente ng bagong mga kaso at magagawa ang zero deaths.

Ayon sa DOH, nakapagtala ang Pilipinas ng 119,000 dengue cases noong Mayo 31 na 59% increase mula sa parehong panahon noong Enero hanggang Mayo 2024.

Samantala, 470 dengue-related deaths ang naitala sa parehong panahon.

Nagpahayag si Herbosa ng optimismo sa mga bagong paraan upang maiwasan ang dengue, katulad ng kung paano nalampasan ng Pilipinas ang COVID-19 pandemic.

Iminungkahi din ni Herbosa ang dagdag na pakikipagtulungan sa mga yunit ng lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng pag-iwas sa pamamagitan ng pagtaas ng pagbili ng vector-controlled insecticide, adulticide, at larvicide.

Samantala, sinabi rin niya na ang DOH ay nagpatupad na ng outbreak response protocols, nagdeploy ng rapid response teams, nag-restock ng NS1 test kits at fluids, at naglunsad ng dengue fast lanes. Jocelyn Tabangcura-Domenden