Home METRO 10-anyos, 2 pa patay sa sasakyang dumayb sa bangin

10-anyos, 2 pa patay sa sasakyang dumayb sa bangin

BENGUET – Patay ang tatlong magkakaanak kabilang ang isang batang 10-taong-gulang matapos na mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang SUV sa bayan ng Tuba.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jasper at Rodolfo Marcuap, at ang bata, na pawang mga residente ng Candelaria, Quezon.

Habang isinugod din sa ospital ang tatlo pa nilang kaanak na sugatan sa insidente.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, papunta sanang Baguio City ang mga biktima.

Habang binabagtas ang daan, bumangga ang sinasakyan nilang SUV sa isang signage sa pakurbang bahagi ng kalsada.

Dito na ito tuluyang nawalan ng kontrol at nahulog sa bangin na may lalim na 100-metro sa Barangay Taloy Sur. RNT