Home OPINION KASO LABAN SA NTF-ELCAC IBINASURA

KASO LABAN SA NTF-ELCAC IBINASURA

SAPUL! Ipinamukha ng Korte Suprema sa grupong Karapatan kamakailan lang na ang kaso nila laban sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict  sa kanilang Petition for Writ of Amparo at Habeas Data ay walang kwenta.

Ibig sabihin nakita ng mga mahistrado ng Supreme Court na walang  saysay ang kanilang ikinaso kaya naman ibinasura ito base sa desisyong inilabas noong Abril 18, 2024.

Kinatigan ng High Court ang desisyon ng Court of Appeal na i-dismiss na ang Petition for Writ of Amparo at Habeas Data.

Napakaraming isinakdal dito ang Karapatan kasi ang NTF-ELCAC noon ay binubuo nila dating Presidente Rodrigo Duterte, dating Secretary of National Defense Delfin Lorenzana, dating National Security Advisers Hermogenes Esperon at Salvador Panelo dating Presidential Spokesperson; Gen. Benjamin R. Madrigal Jr. dating Chief of Staff of AFP; Brig. Gen. Fernando T. Trinidad dating Deputy Commander for Intelligence of the AFP; Maj. Gen. Erwin Neri dating Chief ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP); Lt. Gen. Macairog Alberto dating Commanding General ng Philippine Army; Alex Paul Monteagudo dating Director General of the NICA at member of the NTF-ELCAC Vicente Agdamag, dating National Security Council Deputy Director General; Senior Supt. Omega Jireh Fidel dating PNP Directorate for Investigation and Detective Management at task force member; Maj. Gen Antonio Parlade Jr. dating Assistant Deputy Chief of Staff for Civil-Military Operations ng AFP at NTF-ELCAC; Severo Catura, Presidential Human Rights Committee Secretariat Undersecretary; at Lorraine T. Badoy dating Presidential Communications Operations Office, Undersecretary for News Media and External Affairs.

Ang inyong lingkod nga din ay isinama ng Karapatan sa mga nasasakdal bilang Executive Director ng Presidential Task Force on Media and Security.

Pero, ang mahalaga rito ay ang aming pagkakapanalo mula sa desisyon ng SC. Dahil ito ay nangangahulugan na walang basehan ang ikinaso ng Karapatan sa mga pangalang nabanggit kabilang na ang inyong lingkod.

Buo ang desisyon ng mga mahistrado ng SC na “DENIED” ang petition dahil na rin sa kulang ang pagpapakita ng Karapatan na baligtarin ang desisyon ng Court of Appeals.

Nais kasi ng Karapatan na ma-review at paboran sila ng Court of Appeals. Ang nangyari binigyang diin ng CA na kailangang protektahan ng Pangulo ng Pilipinas ang kapakanan ng mga mamamayan ng bansa at wala itong nalalabag na batas kung may ipinaarestong  mga kahina-hinalang personalidad na nirerepresenta naman ng grupong Karapatan.

Sa tingin ko, nakita ng CA at maging SC na ang petisyon ng Karapatan ay walang kabagay-bagay. Nangangahulugan hilaw ang kaso ng Karapatan na dapat ay nagrerepresenta sa talagang mga taong naaapi at hindi mga taong nanggugulo lamang sa bansa na gaya nila.