Home ENTERTAINMENT Maja, nagkwento sa hirap ng panganganak!

Maja, nagkwento sa hirap ng panganganak!

Canada – Sa Instagram ay ibinahagi ni Maja Salvador ang pinagdaanang hirap bago niya isinilang ang kanilang first baby ng mister na si Rambo Nunez.

Sa panganganak ni Maja ay kinailangan siyang hiwaan sa pagitan ng kanyang vaginal opening at anus habang ito ay nagle-labor.

Ang medical term nila rito ay episiotomy.

Ito ay ginagawa para palakihin ang butas ng female organ para sa panganganak.

Ipinost ni Maja ang ilang larawan habang nagle-labor sa loob ng kanyang hospital bed sa Canada.

Caption ni Maja, “Exactly a week ago, I experienced an intense 30-hour labor, 12 hours without epidural, 3 hours of pushing. Then ended up having an episiotomy and forceps. 2 contractions and 7 pushes later, we finally welcomed our baby Maria.

“Immediately had 10 minutes of skin-to-skin contact with her, but biglang nagka-emergency. I had uterine inversion, kaya kinailangan nilang kunin sa `kin si Maria at ibinigay nila kay Rambo who was seated helplessly next to my bed.

“3 OB-GYN were there trying to put back my uterus manually which led to blood loss of 3 to 4 liters, then my blood pressure went down to 60/40, sinabihan na lang ako na anytime I would have to go to the operating room for surgery.

“That time, sabi ko na lang sa sarili ko na I can`t do anything anymore, ubos na ubos na lakas ko. I started praying Hail Mary, paulit-ulit kahit wala na akong lakas. And miraculously, after their last attempt, one of the OB-GYN succeeded in repositioning my uterus. Amen!!!!”

Nagpasalamat si Maja sa mga medical personnel na tumulong sa kanyang panganganak, kasama ang mga kaibigan at pamilya.

“Despite the challenging journey, gusto kong i-express ang gratitude ko to all the medical personnel na nandu`n nu`n, especially to the Filipino nurses who provided unwavering care and support.”

Sa ngayon ay nagre-recover na si Maja at pakiramdam niya ay suwerte siya dahil kasama niya ang kanyang pamilya sa Canada, especially ang kanyang mom and siblings.

At lalo na sa kanyang mister at new born baby girl na si Maria, “To my husband, I love you. To my Maria, everything is worth it! I love you anak.” Gerry Ocampo