Home NATIONWIDE Motor vessel, motor tanker nagbanggaan sa Batangas

Motor vessel, motor tanker nagbanggaan sa Batangas

MANILA, Philippines – Bumangga ang isang motor vessel sa isang motor tanker sa dagat na sakop ng Mabini, Batangas nitong Abril 22, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Huwebes, Abril 25.

Sa isang pahayag, sinabi ng PCG na nangyari ang insidente nang bumangga ang M/V Everwin 11 sa kaliwang likurang bahagi ng MT Oak Express, na nakadaong sa Landoor Pier.

Base sa M/V Everwin 11, sinabi ng PCG na malakas ang agos ng dagat at hangin ang naging dahilan upang makaladkad at sumalpok ang nagmamaniobra na sasakyang de-motor sa MT Oak Express.

Ayon sa PCG, bumaliko ang stanchion post, railing at hatch cover arm ng motor vessel sa kaliwang bahagi nito habang ang motor tanker ay nagtamo ng mga dents, gasgas, at butas na port quarter plating.

Isang masusing inspeksyon ngayon ang isinasagawa ng Coast Guard Substation Mabini, Maritime Casualty Investigation Service ng Maritime Safety Service Unit, at Port State Control sa Southern Tagalog.

Walang ulat ng malaking pinsala o senyales ng oil spill mula sa mga sasakyang-dagat, sinabi ng PCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden