Home HOME BANNER STORY Pagpapatupad ng PH sa Maritime Zones Law, ‘di mapipigil ng Tsina

Pagpapatupad ng PH sa Maritime Zones Law, ‘di mapipigil ng Tsina

MANILA, Philippines- Sa kabila ng pagtutol ng China sa Philippine Maritime Zones Law na pirma na lamang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hinihintay, sinabi ni Sen. Francis “Tol” Tolentino na siyang may-akda nito, na hindi mapipigilan ang Pilipinas sa pagpapatupad ng nasabing batas.

“It (PH Maritime Zones Law) demonstrates our domestic implementation of the arbitral ruling. China has been saying you cannot implement that. Enacting that law demonstrates that we can implement it,” iginiit ni Tolentino.

Aniya, itinatakda nito ang mga hangganang pandagat ng teritoryo ng Pilipinas, ang dulo ng territorial sea nito, ang simula ng magkadikit na sona, at ang dulo ng seabed hanggang sa exclusive economic zone (EEZ) nito.

“So it demonstrates to the whole world that we are a law-abiding member of the community of nations and respect our rights. And our obligation, part of our obligation under UNCLOS, is to have that maritime zones law, similar to what Indonesia needs,” ang paliwanag ni Tolentino.

Ibinahagi niya na ang pagpasa ng Maritime Zones Law ay hindi ang katapusan dahil isa pang batas, ang Archipelagic Sea Lane Law, ay dapat na maipahayag. Dagdag pa niya, tutukuyin nito kung saan dadaan ang mga domestic at dayuhang barko sa kanilang pagtawid sa karagatan ng Pilipinas.

“So, all of this would show that the Philippines is reasserting, complying, and mindful of the rights of the other members of the international community. Remember, China is a signatory to the United Nations Con on the Law of the Sea (UNCLOS),” ayon kay Tolentino.

Ipinaliwanag pa niya na ang Maritime Zones Law ay pinagtibay ang isinasaad ng UNCLOS: na ang Pilipinas ay may sovereign rights.

Sa madaling salita, ang mga Pilipino ay maaaring mangisda sa loob ng EEZ, magkaroon ng domain sa ibabaw ng sea bed at sa ilalim ng lupa, at mag-explore, mag-exploit at magsagawa ng scientific activities. RNT