Home OPINION TIANGCOS NG NAVOTAS, UNOPPOSED MULI SA 2025 ELECTION?

TIANGCOS NG NAVOTAS, UNOPPOSED MULI SA 2025 ELECTION?

ILANG tulog na lang ay campaign period na kaya  nagsimula na ring kumilos ang political forces sa iba’t ibang lugar sa bansa bilang paghahanda sa paparating na May 2025 mid-term elections.

Hindi biro ang sumabak sa mundo ng pulitika dahil kapag minalas ay siguradong magdudulot ng physical at emotional stress sa  mga ‘di pinalad na kandidato dahil sa pagod  at gastos.

Kaya masuwerte ang  mga kandidatong ‘unopposed’ kapag dumarating ang halalan dahil menos gastos na milyones at pagod  ay makakamtan ang ninanais na posisyon pagkatapos  ng halalan.

Pero kung pagbabasehan ang kasaysayan, hindi kasing dali  nang maglakad  lang sa parke ang kandidato o politiko  upang wala nang magiging kalaban o unopposed na ito sa election.

Halimbawa’y sa Navotas, sina Mayor John Rey Tiangco at kapatid na si Rep. Toby Tiangco na  napababalitang walang kalaban muli sa May 9, 2025, ‘di biro ang laban na hinarap sa nagdaang mga election.

Sa nakaraang May 2022 election ay tinalo ni Mayor John Rey si RC Cruz samantalang ang amang si Gardi Cruz na kumandidato bilang representative  ay ‘di pinalad  laban kay Rep. Toby Tiangco.

Ang mga Tiangco  na halos tatlong dekadang lingko- bayan ng Navotas ay tinangkang maalis sa puwesto sa mga nagdaang elections ng kilalang political clans ng Cruz, Bautista, Del Rosario at Javier.

Nguni’t sa kabila nang paulit ulit  na pagsubok, lahat ay ‘di nagtagumpay, marahil ay nagsawa ang mga political rival – may huminto sa politika for good  at ang iba’y lumipat sa ibang LGU para doon subukan ang political career.

Senyales kaya ito na walang kalaban na naman ang mga Tiangco come election 2025 katulad nang noo’y Mayors Oca Malapitan (Caloocan), Tito at Lenlen Oreta (Malabon) na naging   unopposed din sa ilang election.

Wala akong matandaang naging  unopposed na Metro mayor candidates sa  nagdaang elections kundi sina Malapitan at mag-tiyuhing Oreta – at ngayo’y sa ika….th pagkakataon ang Tiangco brothers  (sino man sa kanila ang sasabak sa pagka-alkalde ng Navotas) ay posibleng walang makakalaban sa May 9 election.