MANILA, Philippines – Isang malaking grand rally ang idinaos ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Tacloban City, Leyte na kilalang balwarte ng Marcos administration.
Kung ang Ilocos Region ay bailiwick ng mga Marcos sa norte, ang Leyte naman ang kanilang malaking “turf” sa Visayas na may 1.4 million na botante.
Matatandaan na noong 2022 national elections ay nasa 641,065 boto ang nakuha ni Pangulong Marcos kumpara sa 99,207 boto ng kanyang katunggali.
Kumpiyansa si Navotas City Rep. Toby Tiangco, campaign manager ng Alyansa na kaparehas na suporta din ang makukuha ng senatorial bets ng administration sa Leyte.
“Leyte has always stood with President Marcos and his vision for a stronger Philippines. We believe the Leyteños will continue to support leaders who will work with the administration in delivering real progress,” ani Tiangco.
Ang Leyte ay home province ni dating First Lady Imelda Marcos.
Ang campaign rally ng Alyansa na muling pinangunahan ni Pangulong Marcos ay isinagawa sa Plaza Libertad, Tacloban City, itinala na umabot sa 100,000 supporters ang nakiisa sa rally.
Sa kanilang mga talumpati, inisa isa ng mga kandidato ang kanilang plataporma na sumetro sa economic growth, infrastructure at social welfare programs.
Ang Tacloban ang ika-syam na sa mga lugar na binisita ng Alyansa.
Sa panig ni House Speaker Martin Romualdez ay nangako ito ng malaking panalo sa Leyte para sa admin senatorial bets.
“Ipinapangako ko na mananalo nang malaki ang mga kandidato ng ating Pangulo dito sa Tacloban City at Leyte. We will deliver a big victory for the Alyansa ticket,” pagtiyak ni Romualdez.
Aniya, ang Leyte ay kilalang balwarte ng mga Marcos at mga Romualdez at ang suporta ng lungsod sa administrasyon ay tiyak na boto sa darating na May 12 elections.
“Tacloban, Leyte and Eastern Visayas would choose candidates who would help President Marcos Jr. in his aspiration of making life better for all Filipinos and delivering progress to the provinces, including remote communities” paliwanag nito.
Ang Alyansa ticket ay kinabibilangan nina dating Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, Makati City Mayor Abby Binay, Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., Senator Pia Cayetano, dating Senator Panfilo “Ping” Lacson, Senator Lito Lapid, Senator Imee Marcos, dating Senator Manny Pacquiao, dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senator Francis “Tol” Tolentino, ACT-CIS Rep Erwin Tulfo at Las Piñas Rep. Camille Villar. Gail Mendoza