MANILA, Philippines – Tinatayang nasa 11.3 milyong pamilya o 43 porsyento sa bansa ang itinuturing ang kanilang sarili bilang mahirap sa unang quarter ng 2023.
Ayon sa “Tugon ng Masa” survey ng OCTA na isinagawa mula Marso 24 hanggang 28 sa 1,200 respondents, mas mataas ito kumpara sa huling quarter survey noong 2022 na 10.8M na pamilya, na naglagay ng karagdagang 500,000 mahihirap na pamilyang Pilipino.
Kung ikukumpara sa iba pang malalaking lugar, ang Balanced Luzon ang may pinakamataas na porsyento ng mga nasa hustong gulang na Pilipino na itinuturing na mahirap ang kanilang mga pamilya (47 porsyento).
Sinabi ng OCTA na sa mga nasa hustong gulang na Pilipino na itinuturing na mahirap ang kanilang pamilya, ang median na halaga na kailangan nila para sa mga gastusin sa bahay upang hindi na matawag na mahirap ay P20,000 kada buwan.
Kung ikukumpara sa nakaraang survey, may malaking pagtaas sa mga pamilyang Pilipino na nagre-rate ng kanilang sarili bilang mahirap sa Balanced Luzon na 14 percentage points). Samantala, bumaba ang Visayas at Mindanao (11 percentage points para sa pareho). Higit pa rito, medyo nanatiling pareho ang NCR dahil ang pagkakaiba ng 3 porsyentong puntos mula sa huling survey ay nasa loob ng margin of error ng survey na ±3%. RNT