Home ENTERTAINMENT Aga at Charlene, bet ipabarangay sa baon ng mga anak!

Aga at Charlene, bet ipabarangay sa baon ng mga anak!

Manila, Philippines – Ang dating komedyante at financial expert na si Chinkee Tan ang sumalang sa Peraphy segment ng Eat Bulaga.

Bukod sa assigned host na si Bossing Vic Sotto, kasama rin sa segment si Atasha Muhlach.

Their banter dwelt on how much baon Atasha had noong pumapasok pa siya sa eskuwela.

Buong ningning na ibinida ng kakambal ni Andres na P100 lang ang ibinibigay na baon ng kanyang mga magulang, sina Aga at Charlene Gonzales.

Shocked dahil ‘di makapaniwala si Chinkee who said: “Sino’ng mga magulang mo, maipa-barangay!”

Hindi nga naman kumbinsido si Chinkee na isandaang piso lang ang baon ni Atasha to think na anak siya ng sikat na celebrity parents.

Nagsilbing hot topic nga ‘yon sa social media among the netizens.

Ang hinangaan kasi nila ay ang disiplinadong pagpapalaki ng Muhlach couple sa kanilang mga anak, sa kabila ng katanyagan ng mga ito.

Ayon pa sa ibang netizens, kung tutuusin daw ay malaki na ang P100 na baon kumpara sa kanila na P20 lang.

Baunan man daw sila nang malaki’y kasama na roon ang pagbili ng mga kakailanganing school supplies.

Akala nga ni Chinkee, porke sa abroad nag-aral ang Muhlach twins ay US$100 ang baon ng bawat isa sa kanila.

Pero giit ni Atasha, P100 lang daw talaga.

Hindi raw kasi sila pinamihasa ng kanilang mga magulang na malaki ang allowance na tinatanggap.

Pogi’t maganda na ang mag-asawa’y umani pa ng sandamakmak na pogi at ganda points sina Aga at Charlene with the way they raised their kids! Ronnie Carrasco IIi