Home HOME BANNER STORY 112 patay, 5,174 sunog naitala mula Enero-Marso 26 – BFP

112 patay, 5,174 sunog naitala mula Enero-Marso 26 – BFP

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Sampaloc, Maynila partikular na sa bahagi ng Ma. Luisa St., kanto ng Masbate street.Gawa sa light materials ang mga tirahan kung kaya't mabilis na kumalat ang apoy. Nadamay din sa sunog ang isang unit ng townhouse sa lugar.

MANILA, Philippines – Umabot na sa kabuuang 5,174 na insidente ng sunog ang naganap sa bansa mula Enero 1 hanggang Marso 26 ngayong taon, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) nitong Martes, Marso 26.

Ang nasabing bilang ay mas mataas ng 26.9 porsiyento kumpara sa kaparehong panahon ng nakaraang taon.

Sa ulat, sinabi ng BFP na ang mga insidente ng sunog ay nagresulta sa pinsala sa mga ari-arian na nagkakahalaga ng P2,667,059,430.50, na mas mataas ng 27.7 porsiyento sa P2,087,728,548.72 na naitala noong parehong panahon noong 2023.

Ang mga nasawi sa mga insidente ng sunog na ito ay kinabibilangan ng 112 sibilyan na nasawi, 331 nasugatan na mga sibilyan at 34 na sugatang tauhan ng BFP, na kung saan ay 160.9 porsyento na mas maraming nasugatan na mga bumbero kaysa noong nakaraang taon.

Ang open flame mula sa bonfire sa structural fire ang siyang pangunahing sanhi ng sunog na may 528 kaso na sinundan ng paninigarilyo, o tabako (355), open fire sa agricultural land clearing operations (232), electrical ignition sanhi ng arcing (205), open flame mula sa pagluluto, gas stove, firewood liquified petroleum gas (LPG) (258) at electrical ignition dulot ng maluwag na koneksyon (132), ayon sa BFP. Santi Celario

Previous article1M license cards ipapakalat na sa Abril 1
Next article¥250-B Japan loan sa subway project nasiguro ng Pinas