Home NATIONWIDE ¥250-B Japan loan sa subway project nasiguro ng Pinas

¥250-B Japan loan sa subway project nasiguro ng Pinas

PORMAL na nilagdaan ng Pilipinas at Japan ang ‘exchange of notes’ para sa JPY250 billion o may katumbas na P92.8 billion loan na ipangtutustos sa konstruksyon ng Dalton Pass East Alignment Road at sa nagpapatuloy na Metro Manila Subway (MMS) project.

Sa nasabing halaga, ang JPY100 billion ay ilalaan sa konstruksyon ng bypass road para sa Dalton Pass, nag-uugnay sa Metro Manila at north-central Luzon.

Ang natitirang JPY150 billion, ay magsisilbing third tranche ng Japanese financing para sa MMS project.

“On behalf of the Philippines, I signed today diplomatic notes for Japan’s ODA (official development assistance) worth JPY250 billion in loan for the Dalton Pass East Alignment Road Project to enhance the connectivity of Regions I & II to the NCR (National Capital Region), and for the third tranche of the Metro Manila Subway Project (Phase I),” ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.

“Japan, a strategic partner of the Philippines, has been a strong supporter of our infrastructure development and the Build Better More projects,” dagdag na wika nito.

Samantala, umaasa naman ang Japanese Embassy sa Maynila na ang konstruksyon ng disaster-resistant at highly motorable alternative road para sa Dalton Pass ay makapag-aambag sa “economic revitalization” ng Luzon.

Looking forward naman ito sa pagbabawas ng matinding traffic congestion at air pollution sa Kalakhang Maynila kasama ng subway project.

Ang karagdagang loan ay kasunod ng 1st tranche ng pagpopondo para sa metro subway noong 2017 (JPY104,530 billion) at second tranche (JPY 253,307 million) na nilagdaan noong 2021.

Tinuran ng embahada na ang interest rate para sa mga nasabing ODA ay 0.3% per annum, mayroong 0.2% per annum na itinakda para naman sa consulting services.

Ang repayment period ay 40 taon, kabilang na ang 10-year grace period. Kris Jose

Previous article112 patay, 5,174 sunog naitala mula Enero-Marso 26 – BFP
Next articleAFP, magpapatupad ng pagbabago sa WPS resupply missions — Brawner