Home NATIONWIDE 134 dagdag-kaso ng COVID naitala

134 dagdag-kaso ng COVID naitala

MANILA, Philippines – Naitala sa bansa ang 134 bagong kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, Agosto 10, ayon sa Department of Health (DOH).

Mayroong 3,393 aktibong kaso habang ang nationwide caseload naman ay tumaas sa 4,133,933.

Ang total recoveries naman ay nasa 4,063,897 at ang death toll ay nanatili sa 66,643.

Nananatiling ang National Capital Region ang may pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo sa 416, Calabarzon sa 268, Central Luzon sa 214, Davao Region sa 172, at Western Visayas sa 134.

Nasa 14.3% naman ang COVID-19 bed occupancy sa 3,342 okupado at 20,125 bakanteng kama. RNT/JGC

Previous articleChinese maritime militia tatapatan ng Pinas – AFP chief
Next articleBusiness groups pinatutulong ng DSWD vs gutom