MATAGUMPAY na pinarangalan sa pangunguna ng Occupational Safety and Health Center o OSHC ng Department of Labor and Employment ang mga nagsipagwagi sa katatapos na 13th Gawad Kaligtasan at Kalusugan o GKK national awarding ceremony na idinaos sa Radisson Blu Hotel, Cebu City nitong Biyernes, November 22, 2024.
Mula sa 295 official nominations, 21 national winners mula sa Industry, Government, Micro-Enterprise/Informal Sector, and Individual categories ang nagsipag-uwi ng trophies at cash prizes.
Kabilang sa mga nagwagi ayon sa kani-kanilang kategorya ang AP Renewables, Inc. (National Champion-Gold Award for Electricity, Gas, Steam, and Air-Conditioning Supply), ROHM Electronics Philippines, Inc. (National Champion-Gold Award for Manufacturing), Petron Corporation – Tagoloan Terminal (National Winner-Bronze Award for Transportation and Storage), Syngenta Philippines Inc. (National Winner-Bronze Award for Agriculture, Forestry and Fishing), Rio Tuba Nickel Mining Corporation (National Champion – Gold Award for Mining and Quarrying), Quantrics Enterprises Incorporated – Naga Site (National Winner-Silver Award for Administrative and Support Service Activities), D.M. Consunji, Inc. (National Winner-Silver Award for Construction), Jose B. Lingad Memorial General Hospital at Department of Science and Technology (DOST) XI (National Winners-Silver Award for Government), PalaYamaNayon ni Tiyo Edgar at MS Catbagan Dental Clinic (National Winners-Bronze Award for Micro-enterprise), Dr. Jose T. Saporne (National Champion – Gold Award for Individual) at marami pang iba.
Hindi naging madali para sa OSHC na pinamumunuan ni Executive Director Engr. Jose Maria “Jomar” Batino at mga hurado mula sa iba’t-ibang sektor ang sistematikong pagpili sa mga nagwagi.
Magsisilbing modelo at inspirasyon para sa lahat ang mga pamamaraan at makabagong istratehiyang isinagawa ng mga nagwagi upang masiguro ang pangkaligtasan at pangkalusugang adbokasiya para sa mga manggagawa na kaakibat sa pagpapalago ng ekonomiya.
Isang malaking kontribusyon ang GKK sa pagpapaunlad ng bansa kaya nararapat lamang na patuloy na suportahan at ipakalat ang mga layunin ng programang ito. Ngayon pa lang ay paghandaan na natin ang mga susunod pang GKK competition (sasali na rin kami, Sir Bong Soriano, he-he-he).
Congratulations sa mga National winner, Sir Jomar, DOLE-OSHC officers and staff at sa 13th GKK organizers na sama-samang nagtrabaho at nagpakita ng dedikasyon sa ikatatagumpay ng programa. MABUHAY!!!