Home METRO 13th OFW and Family Summit, inilunsad sa the Tent sa Las Piñas...

13th OFW and Family Summit, inilunsad sa the Tent sa Las Piñas City

Nagsilbing guest speaker Si Senador Cynthia Villar sa 19th Annual General Assembly ng Philippine Federation of Local Councils of Women (PFLCW) na idinaos sa Seda Hotel noong Hunyo 6 (Huwebes). Cesar Morales

MANILA, Philippines – Muling hinikayat ni Senador Cynthia A. Villar ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga miyembro ng pamilya na magparehistro para sa 13th OFW and Family Summit.

Ang 13th OFW and Family Summit ay ginaganap sa The Tent sa Las Piñas City na naglalayong turuan ang ating mga OFW at kanilang mga pamilya ng financial literacy, na magagamit nila upang mapalago ang kanilang pera sa kanilang sariling bayan.

Bukod sa pagtuturo sa mga OFW at kanilang mga pamilya kung paano ang matalinong pag-invest ng kanilang mga ipon at lumaki ang kanilang kita.

Layunin din ng summit na turuan sila kung paano protektahan ang kanilang pinaghirapang pera upang hindi mabiktima ng investment scam na mapanlinlang.

Libre ang registration, at ang mga maaaring magparehistro ay mga OFW at qualified beneficiaries tulad ng mga miyembro ng kanilang pamilya, kanilang asawa at anak, magulang at kapatid.

Ayon kay Villar, maaari rin silang pumunta sa OFW & Family Summit Desk sa Vista Mall at Starmall branches nationwide.

Maaari silang magparehistro on site, upang makasali sa raffle draw, kailangang nakarehistro ang isa.

Kabilang sa mga premyo sa raffle ang Camella house and lot, Kawasaki Motorcycles, Allhome Appliances, at Kabuhayan showcases mula sa AllDay.

Sa mga sumali sa nasabing okasyon, pinaalalahanan sila ng Senador na dalhin ang passport at working visa ng OFW, proof of remittances, Seaman’s Book, job contract, kopya ng mga dokumento bilang patunay na sila ay kamag-anak ng OFWs. (Dave Baluyot)