Home OPINION 16 BOTO VS VP SARA BABAWASAN NA?

16 BOTO VS VP SARA BABAWASAN NA?

1
0

TILA may mga nagmamadali nang bawasan ang minimum na botong 16 ng Senator-Judges sa kasong impeachment para ideklarang guilty si VP Sara.

Hango ang minimum na boto sa Article XI, Section 3(6) ng 1987 Konstitusyon na nagsasabing kailangan ang boto na DALAWANG-KATLO (2/3) ng LAHAT NG MIYEMBRO ng Senado upang mapatunayang guilty o hatulan ang isang impeachable official.

Dahil 24 ang mga senador, katumbas ng 16 ang DALAWANG-KATLO NG LAHAT NG MIYEMBRO.

Malinaw sa mga pahayag ng prosekusyon ang pagpipilit nilang bawasan ang 16, lalo na parte ng mga militante.

At may malinaw na ring palatandaan mula sa hanay ng majority senators gaya ng sinasabi ni Sen. Migz Zubiri.

Tingnan ninyo.

Noong Setyembre 2, 2026, sinabi ni Zubiri, “Sa totoo lang, Mr. Presiding Officer, pagod na pagod na ako. 12 hours a day po tayo rito,” sabay turo sa iba pang gawain ng mga senador mula Lunes hanggang sa iba pang mga araw.

Kinabukasan, September 3, 2026, nagsabi ito ukol sa posibleng pagpapababa ng minimum na boto sa impeachment dahil mayroon nang tatlong senador na hindi nakadadalo sa impeachment trial gaya ng dalawang nakadetine at isang nagtatago.

Pero ibinato nito ang lahat kay Presiding Officer Chiz Escudero na sa unang araw ng impeachment trial ay nagdeklarang 16 ang kailangang boto para maideklarang guilty ang impeachable official dahil nga sa literal na probisyon ng 1887 Konstitusyon.

Mula sa pahayag ni Zubiri, maaari umanong pagdebatehan mula sa mga araw na ito ang usapin.

May ilang katanungang napakahalaga rito.

May kapangyarihan ba ang Impeachment Court o ang Senado na baguhin ang literal na probisyon ng Konstitusyon at hindi na kailangan ang Supreme Court?

Kung meron, gagawin ba ang pagbabago bago o sa mismong araw ng pagdedesisyon kung guilty o hindi si VP Sara?

Manonood lang ba ang mamamayan o dapat silang makialam para sa due process, katotohanan at katarungan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here