MANILA, Philippines- Magsasagawa ng 160-kilometer commemorative march bilang paggunita sa mga bayani ng Bataan Death March at Battle of Bataan.
Ayon sa ulat nitong Biyernes, magaganap ang 2025 “Freedom March” sa March 1 hanggang 2, at isasagawa ng mga kapamilya o apo ng World War II Filipino at US veterans, military personnel, government officials, mga miyembro ng diplomatic community, mga estudyante at mga pamilya.
Sa pangunguna ng Philippine Veterans Bank (PVB), sa pakikipagtulungan sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) at sa Department of National Defense (DND), isasagawa ang martsa bilang paggunita sa 83rd anniversary ng Battle of Bataan upang parangalan ang mga sundalong nakibahagi sa Death March.
Susundin ang commemorative walk ang eksaktong makasaysayang rutan ng Bataan Death March, simula Mariveles, Bataan hanggang Capas, Tarlac.
Tinatayang 66,000 Pilipino at 10,000 American prisoners of war ang pwersahang pinalakad sa Death March noong April 1942.
Maaaring makilahok ang mga interesado sa preferred starting points nila sa Bataan, Pampanga at Tarlac.
Libre ang aktibidad at kailangan lamang ng rehistrasyon sa https://forms.gle/npJJggx3jxCoMLzS6. RNT/SA