Home NATIONWIDE 176 pang Pinoy na biktima ng human trafficking sa Myanmar makakauwi na

176 pang Pinoy na biktima ng human trafficking sa Myanmar makakauwi na

MANILA, Philippines – Nasa 176 pang Filipino human trafficking victims sa Myanmar ang mapapauwi na sa bansa mamayang gabi, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega.

Sa panayam, sinabi ni De Vega na nasa kabuuang 30 Filipino human trafficking victims sa Myanmar ang nakauwi na rin sa bansa madaling araw ng Martes, Marso 25.

“They arrived early this morning today, they are the first batch and there were 30 of them. Later in the evening, a chartered flight will bring home another 176 of them. 176, they will arrive tonight,” ani De Vega sa panayam sa radyo.

“They came from areas where they are forced to work in scamming factories,” dagdag pa niya.

Matatandaan na sa pagdinig ng Senate subcommittee on justice and human rights noong Marso 18, inihayag ni De Vega na ang mga biktima ay tatawid sa Thailand mula sa Myanmar sa pamamagitan ng Friendship Bridge.

Sa kanilang pagdating sa Thailand ay aayusin naman ng Philippine Embassy sa Bangkok ang kanilang sasakyan pabalik ng Pilipinas. RNT/JGC