CALOOCAN CITY – Arestado ang isang 19-anyos na lalaki na wanted sa dalawang counts ng statutory rape matapos matunton ng mga pulis sa Barangay 32, Caloocan City.
Batay sa ulat ng Northern Police District (NPD), ikinasa ng Caloocan City Police ang manhunt operation laban sa akusado hanggang sa maaresto siya bandang alas-12 ng tanghali.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Family Court, Branch 1 sa Caloocan City para sa dalawang bilang ng statutory rape.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Pansamantala siyang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Caloocan City Police habang hinihintay ang kaukulang utos ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Caloocan City Jail. Merly Duero