Home NATIONWIDE 19 sugatan sa central Israel sa projectile launch ng Lebanon

19 sugatan sa central Israel sa projectile launch ng Lebanon

ISRAEL – Sugatan ang 19 katao sa Sharon region ng Central Israel matapos maglunsad ang Lebanon ng tatlong projectiles nitong Sabado, Nobyembre 2.

Naunang iniulat ng national ambulance na mayroong pitong katao ang sugatan sa bayan ng Tira.

Umalingawngaw ang mga sirena sa ilang lugar sa central Israel matapos ang projectile launch.

Bagamat naharang ang ilan sa mga ito, mayroon namang mga nakalusot.

“A fallen projectile was most likely identified in the area,” dagdag ng militar.

Kalaunan ay sinabi ng Islamic Resistance sa Iraq na naglunsad sila ng mga drone sa “vital target” sa northern Israel.

Hindi naman malinaw kung ang aksyong ito ang dahilan ng injury ng mga biktima. RNT/JGC