Home NATIONWIDE 19K Filipino apektado ng POGO ban sa NCR – DOLE

19K Filipino apektado ng POGO ban sa NCR – DOLE

Image Representation Only

MANILA, Philippines – Mahigit 19,000 Filipino workers na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) firms sa National Capital Region (NCR) ang maaapektuhan sa nalalapit na ban, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni DOLE-NCR Assistant Regional Director Jude Thomas Trayvilla na nakapag-profile ang ahensya ng nasa 19,341 Filipino employees na nagtatrabaho sa ilalim ng 48 internet gaming licenses (IGLs) sa kabisera ng rehiyon.

Karamihan sa mga manggagawa ay sumasahod ng tinatayang aabot sa halagang P16,000 hanggang P22,000 ay naka-empleyo sa ilalim ng administrative task, e coding, HR, liaison, marketing, finance, IT, housekeeping gayundin ang drivers at security guards.

Noong nakaraang linggo, inulit ng DOLE na handa itong magbigay ng tulong sa mga Filipino workers na nawalan ng trabaho dahil sa POGO ban.

Kabilang sa mga interbensyon ng DOLE na ibigay sa mga apektadong empleyado ay ang TUPAD program, livelihood projects, at isang specialized job fair, dagdag ni Trayvilla.

Ang job fair ay isasagawa sa Oktubre 10, 2024 sa Ayala Malls Manila Bay sa Pasay City. Hindi bababa sa 70 employer ang inaasahang lalahok sa kaganapan.

Ang pagbabawal ng POGO sa bansa ay inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, sa kanyang ikatlong State of the Nation Address. Jocelyn Tabangcura-Domenden