Home NATIONWIDE 2 bata patay sa heat wave sa Gaza

2 bata patay sa heat wave sa Gaza

GAZA – Patay ang dalawang batang Palestinian dahil sa matinding heat wave sa Gaza Strip, iniulat ng UN refugee agency na UNRWA nitong Linggo, Abril 28.

“We received reports that at least two children died due to the heat,” saad sa pahayag ni UNRWA Commissioner-General Philippe Lazzarini.

“What more to endure: death, hunger, disease, displacement, and now living in greenhouses-like structures under scorching heat,” dagdag pa niya.

Ang heat wave ay dumagdag pa sa kalbaryo ng mga Palestinian sa Gaza Strip na nagdusa na sa mga opensiba ng Israel na kumitil sa buhay ng 34,400 katao.

“As temperature rises, life conditions in Gaza worsen,” sinabi ng UNRWA.

“Displaced people have access to less than 1 L of water per person per day for drinking, washing, and bathing, against the 15 L minimum according to Sphere Standards,” dagdag pa.

“Children pay the highest toll: we need a cease-fire now.”

Mahigit anim na buwan nang magsimula ang Israeli war, naitala na ang malawak na pinsala sa mga ari-arian sa Gaza, kung saan 85% ng populasyon ay wala nang tirahan at hirap pa sa maayos na pagkain, tubig at gamot. RNT/JGC