Home ENTERTAINMENT Janice,hindi na mag-a-asawa, na-trauma!

Janice,hindi na mag-a-asawa, na-trauma!

Manila, Philippines – Nauunawaan daw ng kanyang mga anak ang biological need ni Janice de Belen.

Marahil, sa edad na ito ni Janice ay mas nangingibabaw ang kalhalagahang makatagpo ng makakatuwang sa buhay.

Clichè as it sounds, someone she hopes to grow old with.

May blessing o basbas man mula sa kanyang mga anak to remarry ay mismong si Janice ang may ayaw.

Traumatic daw kasi ang kanyang pinagdaanan.

Inalala ng aktres the first time she fell in love: “Feeling ko, forever na ‘yon but it failed. I fell in love again, at nag-fail uli!”

Napagtanto ni Janice na finally, hindi raw para sa kanya ang magkaroon ng partner for keeps.

Obyus na ang tinutukoy niyang dating karelasyon ay si John Estrada.

Ikinasal noong 1992 but whose marriage was annulled in 2024, enough na raw ‘yon.

Sapat na raw na natutunan niyang magpatawad.

‘Yun nga lang, mabilis niyang pahabol: “I wouldn’t be here if I didn’t forgive…but to forget is another story!”

Sa ngayon, kuntento na raw siya sa mga “lalaki” sa buhay niya: her father, her sons at ang apo niyang lalaki sa anak na si Luigi.

Maitatanong lang: hanggang ngayon ba’y hindi pa nakaka-get over si Janice kay John?

Mahilig din ba siyang kumain ng “ampalaya”? Ronnie Carrasco III