Home NATIONWIDE 4 patay sa tornado outbreak sa Oklahoma

4 patay sa tornado outbreak sa Oklahoma

UNITED STATES – Apat ang patay kabilang ang isang sanggol matapos ang tornado outbreak sa Oklahoma sa magdamag.

Kasabay nito ay nagbabala rin ang pamahalaan ng mas marami pang tornado, malalakas na pag-ulan at hail dahil sa severe storms mula Missouri patungong Texas.

Ang dalawang nasawi ay naitala sa Holdenville, ang ikatlo naman ay malapit sa Marietta sa I-35, ayon kay Keli Cain, public affairs director para sa Oklahoma Department of Emergency Management and Homeland Security.

Naitala naman sa bayan ng Sulphur ang ikaapat na nasawi, sa Murray County, Oklahom.

Nitong Sabado ng gabi ay sinalanta ng kabi-kabilang EF-3 strength na tornado ang mga bayan ng Sulphur at Marietta. Ang EF-3 rating na tornado ay may lakas ng hangin na 136 miles per hour o higit pa.

“It seems like every business downtown has been destroyed now here in Sulphur,” ani Gov. Kevin Stitt.

“It’s definitely the most damage since I’ve been governor that I’ve seen.”

Dagdag pa niya na mayroong 30 katao ang nasaktan sa Sulphur at hindi pa tukoy ang kondisyon ng mga ito. RNT/JGC