Home NATIONWIDE 2 election hotspots sa NegOr tinukoy ng Comelec

2 election hotspots sa NegOr tinukoy ng Comelec

MANILA, Philippines – Inilagay ng Commission on Elections (Comelec) ang Guihulngan City at Basay sa Negros Oriental sa ilalim ng heightened election hotspot categories, dahil sa mga nagdaang insidente ng karahasan at matinding political rivalry.

Ang Guihulngan City ay inilagay sa red category, o most critical level dahil sa mga nagdaang election-related violence, kabilang ang pagpatay sa isang kandidato.

Nasa ilalim naman ng orange category ang Basay, na nangangahulugang nakararanas ito ng tensyong politikal at ang naganap na shooting incident noong 2022 elections.

Sa 25 lungsod at munisipalidad sa probinsya, ang nalalabing 23 ay nasa ilalim ng yellow category o moderate risk level, ayon kay Comelec-Negros Oriental supervisor Eddie Aba. RNT/JGC