Home METRO 2 patay sa elf truck

2 patay sa elf truck

ZAMBOANGA DEL SUR- PATAY ang dalawang katao matapos mabangga ng elf truck ang sinasakyan nilang motorsiklo nitong Biyernes, Abril 12 sa bayan ng Pitogo.

Kinilala ang mga nasawi na sina Argie Layar 27, driver ng motorsiklo, residente Purok Papaya, Sitio, Liong, Barangay Poblacion, Pitogo, Zamboanga Del Sur at Selphie Rey Bustamante, 13, ng Purok Papaya, Sitio Liong, Poblacion, Pitogo, habang kritikal sa ospital ang is pang angkas na si Jay L. Diana, 15.

Nasa kustodiya naman ng Pitogo Municipal Police Station ang suspek at driver ng elf truck.

Sa report ng pulisya, naganap insidente noong Biyernes sa kalsadang sakop ng Purok Pajo Barangay Poblacion, ng nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ng mga biktima ang naturang lugar ng bigla na lamang silang mabangga ng elf truck.

Tumilapon ang mga biktima sa kalsada at nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang dalawa naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Habang dinala naman sa ospital ang mga sugatan para lapatan ng lunas.

Posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, physical injuries at damage to property ang suspek. Mary Anne Sapico