Home METRO Ginang na tumangging makipagtalik, bugbog-sarado sa ka-live in

Ginang na tumangging makipagtalik, bugbog-sarado sa ka-live in

CEBU CITY- PASA at bukol sa katawan ang tinamo ng isang ginang matapos bugbugin ng habal-habal driver na kinakasama dahil sa pagtanggi nitong makipagtalik, nitong Sabado, Abril 13 sa lungsod na ito.

Nakakulong naman sa Mambaling Police Station ang suspek na itinago sa pangalan Buboy, 33-anyos at taga Sitio Wangyu, Barangay Mambaling.

Kwento ng ginang na itinago sa pangalan Booba, dumating sa kanilang bahay ang kinakasama (suspek) na lasing at pinipilit siyang makipag-sex subalit tinanggihan niya ito.

Aniya, bigla na lamang siyang pinagsusuntok sa katawan at sinipa sa paa. Hindi pa nakuntento sa si Buboy at kinuha pa nito ang plastik nilang upuan at binato sa biktima.

Agad naman humingi ng tulong sa barangay tanod ang biktima na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakatakda naman sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 ang suspek.

Nanindigan naman si Booba na hindi na ito makipagbalikan pa sa suspek sa takot na maulit pa ito kapag nakalabas ng kulungan. Mary Anne Sapico