Home METRO 1 patay sa sunog sa Bohol

1 patay sa sunog sa Bohol

TAGBILARAN CITY- NALITSON nang buhay ang isang lalaki na may problema sa pag-iisip matapos tupukin ang tinitirhan nitong bahay nitong Sabado, Abril 13 sa lungsod na ito.

Sunog ang katawan at wala nang buhay nang matagpuan sa nasunog na bahay ang 35-anyos na lalaking hindi pinangalanan, ng Brgy. San Isidro, ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng Tagbilaran City Fire Office, bandang 8:15 AM nang magsimula ang sunog at naapula ito makalipas ang isang oras.

Tinatayang aabot sa P10,000 halaga ang danyos sa nasabing sunog.

Samantala, nasunog din ang bahagi ng Eastern Cogon Elementary School, Tagbilaran City, Bohol bandang 7:00 AM at umakyat ito sa unang alarma bandang 7:21 AM. Naapula ang apoy bandang alas-8 ng umaga.

Tinatayang aabot sa P2,760,000 ang danyos sa nasunog na paaralan.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga pamatay-sunog at PNP-Scene of the Crime Operatives, para malaman ang pinagmulan ng dalawang sunog. Mary Anne Sapico