Home METRO 2 welder natusta sa loob ng kinukumpuning barko

2 welder natusta sa loob ng kinukumpuning barko

106
0

MANILA, Philippines- Patay ang dalawang lalaking welder nang ma-trap ang mga ito sa nasunog na storage room ng kinukumpuning barko sa Barangay San Jose, Navotas City nitong Lunes ng gabi.

Iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) na natagpuan ang mga bangkay ng mga biktima sa loob ng storage room na nasa itaas na bahagi ng ballast ng barko.

“Pagpasok nila kasi nga medyo confined yung sunog ibig sabihin nasa loob siya at limitado lamang ang lagusan pati ang mga bintana kaya nahirapan ang ating mga bumbero para mapasok ito,” paglalahad ni Fire Supt. Ronaldo Sanchez, ang fire marshal ng Navotas City.

Batay sa imbestigasyon, nagwe-welding sa storage room ang dalawang biktima nang maganap ang insidente.

Base sa ulat, nakatago doon ang mga life vests at kutson.“Malaki ang posibilidad na galing talaga ‘yon sa welding of course pero ang question is gaano kabilis lumaki yung apoy at paano kaagad hindi nakalabas itong mga biktima,” wika ni Fire Supt. Sanchez.

Itinaas sa unang alarma ang sunog na tuluyang naapula dakong alas-2 ng madaling araw.

Sinusuri naman ng BFP kung may nalabag sa fire safety code ang contractor.

Sa kasalukuyan ay wala pang pahayag ang contractor ukol dito. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here