CEBU- Todas ang isang ginang maging dalawa niyang anak nang gilitan umano ng kanyang kinakasama sa Naga City, Cebu nitong Lunes.
Batay sa pahayag ng mga residente, naganap ang krimen sa bahay ng pamilya sa Barangay Lutac.
Inilahad ng mga saksi na narinig umano nila away mula sa loob ng bahay. Laking gulat anila nang mamataan ang mga sugat sa leeg ang tatlong biktima habang nakahandusay ang mga ito sa sahig.
Nadakip ng mga awtoridad ang suspek nitong Lunes ng hapon.
Batay kay PSSgt. Ariel Yap, imbestigador ng Naga City police, ginilitan ng suspek ang mga biktima gamit ang patalim na nasa 18 pulgada ang haba.
Tinukoy ang babaeng biktima na edad 32 taong gulang habang ang kanyang mga anak ay 2-anyos at 11-anyos.
Kasalukuyang nasa ospital ang suspek nang mabaril ito sa tuhod matapos tangkaing tumakas.
Nagsampa na ng kasong double parricide at murder laban sa suspek, sinasabing sangkot din sa droga. RNT/SA