Home ENTERTAINMENT Andrea, inabutan ng motel card, nawindang!

Andrea, inabutan ng motel card, nawindang!

Manila, Philippines – Sino’ng mag-aakalang ang mukha namang matinong male fan ay gagawa ng kalokohan?

Ito ang tila hindi maubos-maisip ni Andrea Brillantes nang makilahok sa nagdaang Sinulog Festival sa Cebu.

Ang siste, sakay ng float ang Kapamilya actress habang binabagtas nito ang mga busy streets sa Queen City of the South.

Wave keti wave, smile keti smile pa si Blythe (pet name niya) sa crowd.

Sukat ba namang isang male fan na dinaanan ng kanilang float ang may iniabot sa kanya.

Not yet knowing what it was ay malugod naman itong tinanggap ni Andrea.

At nang sipatin kung ano ‘yon ay naloka na lang si Andrea sa tumambad sa kanya–discount card sa motel!

Buti na lang, malakas ang presence of mind ng aktres.

Sinabihan niya ng: “Hoy!” ang male fan at saka patapong ibinalik ang motel card.

Natawa naman ang mga netizens sa karanasang ‘yon ng aktres.

Ilan dito’y: “Si Andrea, ‘dinog show’ ng fan!”

Buti na lang at hindi pikon si Andrea.

Nanaig pa rin sa kanya na nasa isang religious tradition siya.

Pero in a sense ay parang pambabastos sa kanya ang inasal ng male fan! Ronnie Carrasco III