Home NATIONWIDE DPWH sinita ng COA sa higit 13 ‘dormant’ bank accounts

DPWH sinita ng COA sa higit 13 ‘dormant’ bank accounts

MANILA, Philippines- Sinita ng Commission on Audit (COA) ang Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa 13 dormant bank accounts na may mahigit sa P6 milyong nakadeposito sabay babala na ang kabiguan na maayos na hawakan ang accounts ay maaaring magresulta sa misappropriation o maling paggamit ng pondo.

Sa audit report nito, sinabi ng COA na ang DPWH regional office sa National Capital Region ay mayroong isang bank account na naglalaman ng P2,267,996.24 na nananatiling ‘hindi nagagalaw at hindi nagagamit” ng higit sa 10 taon.

Sa Nueva Vizcaya 1st District Engineering Office (DEO) ay mayroon namang isang bank account na nilikha para sa cash deposits at pagbabayad ng creditors na may kontrata mula sa ibang ahensya ng pamahalaan. Ang P104,374.14 na naka-deposito ay itinuturing na ‘dormant o inactive’ para sa mahigit siyam na taon.

Ang Leyte 2nd DEO ay mayroon namang apat na bank accounts na ‘inactive’ para sa anim hanggang walong taon, habang ang Leyte 3rd DEO ay mayroong tatlong dormant bank accounts na nananatiling inactive simula pa noong 2020. Ang Biliran DEO ay mayroong dalawang bank accounts na ipinagpapalagay na ‘inactive’ at ‘for closure’ na.

Ang Isabela City DEO sa Basilan sa kabilang dako ay mayroong dalawang bank accounts na naglalaman ng P3,644.277.15 na nananatiling dormant para sa mahigit na 10 taon.

Tinuran ng COA na tinanong nito ang DPWH hinggil sa dormant bank accounts, sinabi ng mga opisyal ng DPWH na “the purpose for which the bank accounts were established have already been completed and are no longer applicable.”

“Thus, the non-closure of unnecessary and dorman bank accounts not only raises the inaccuracy and unreliability of the reported balance of the cash accounts as [of] year end but also exposes the balances of these accounts to the risk of possible misappropriation/misuse,” ang nakasaad pa rin sa report. Kris Jose