MANILA, Philippines- Panibagong reklamo ukol sa pagkamatay dulot umano ng bakuna kontra dengue ang inihain sa Department of Justice.
Mahigit 10 kahon ng mga dokumento ang isinumite sa DOJ mula sa apat na bagong complainants para sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.
Batay sa kopya ng reklamo, pangunahing inirereklamo si dating Health Secretary Janette Garin at ilan pang dating opisyal ng DOH.
Kasama rin sa inihaing reklamo ang paglabag sa Section 4 at 14 kaugnay sa Section 14 ng Republic Act 9745 o AN ACT PENALIZING TORTURE AND OTHER CRUEL, INHUMAN AND DEGRADING TREATMENT.
Nakapaloob din sa reklamo ang paglabag sa Consumer Act of the Philippines at Philippine Pharmacy Act.
Ang mga bagong reklamo kaugnay ng dengvaxia ay inihain kasunod ng pagbasura ng DOJ sa naunang 98 na bilang ng reklamo laban kina garin at dalawang doktor dahil sa dengvaxia vaccine.
Maliban sa mga naibasurang reklamo, may walo pang reklamo ukol sa paggamit ng bakunang dengvaxia ang nakabinbin sa DOJ. Teresa Tavares