MANILA, Philippines- Nakatakdang i-deport sa susunod na lingo ang nasa 200 foreigners na sangkot sa ilegal na aktibidad, sinabi ni Presidential Anti-organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Gilbert Cruz sa Kapihan sa Manila Bay nitong Miyerkules.
Ayon kay Cruz, mula sa pagsalakay sa iba’t ibang lugar tulad ng Bamban, Porac at Pasay ang mga inarestong mga dayuhan.
Kasama rin dito sa mga ipade-deport na mga nahuli sa illegal mining activities sa Surigao at Bicol.
Samantala, 700 pang foreign nationals ang nanatili sa holding centers sa Pasay.
Ayon kay Cruz, dati itong Pogo hub na ginawang detention center.
Samantala, isang Indonesian national ang natuklasan ng PAOCC na wanted ng dalawang taon sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot din sa ilegal na aktibidad sa ikinasang pagsalakay sa Bataan kamakailan. Jocelyn Tabancgura-Domenden