WASHINGTON- Inangkin na ni Donald Trump ang pagkapanalo sa eleksyon at nangakong “pagagalingin” ang bansa nitong Miyerkules sa paglabas ng resulta na nagpapakitang nagbabadyang matalo si Kamala Harris sa White House comeback.
Ang kanyang pahayag ay kasunod ng pagdeklara sa kanya ng Fox News na nanalo, at wala pang US networks ang nag-uulat nito.
Kasabay ng hiyaw ng mga taga-suporta, umakyat si Trump sa entablado sa kanyang campaign headquarters sa Florida kasama ang kanyang asawa na si Melania at ilan sa mga anak niya.
“We are going to help our country heal,” anang Republican former president.
“It’s a political victory that our country has never seen before.”
“You won’t hear from the vice president tonight but you will hear from her tomorrow,” ayon naman kay Cedric Richmond, campaign co-chair ni Harris, sa watch party sa Washington.
Gayundin, hawak na ng Republican Party ang kontrol sa Senado.
Milyon-milyong mga Amerikano ang ang bumoto sa Election Day, na magdidikta kung makababalik si Trump sa pagka-presidente o si Harris ang magiging kauna-unahang babaeng hahawak ng pinakamakapangyarihang trabaho sa mundo. RNT/SA