MANILA, Philippines- Inatasan ni Senador Sherwin Gatchalian ang lahat ng kinauukulang ahensya ng pamahalaan na tumutugis at nagpapasara ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na magkaroon ng mahigpit na koordinasyon upang mapalakas ang kampanya laban sa naturang organisasyon.
Nanawagan si Gatchalian sa ilang law enforcement agencies kabilang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation na magpulong at lumikha ng magkakaugnay na estratehiya laban sa operasyon ng POGO.
“I call on the Philippine National Police, the Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), the National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Immigration (BI), and other law-enforcement agencies, in coordination with PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation), to sit down and craft a consolidated approach in our advocacy to end all POGO-linked criminalities in the country,” ayon kay Gatchalian.
“The absence of unity and coordination among all concerned agencies could potentially weaken our campaign and enable POGOs to exploit gaps and continue their operations,” giit niya.
Inihayag ito ni Gatchalian kasunod ng pag-amin ng PAOCC na pumalpak ang anti-POGO operation sa Century Peak Tower in Ermita, Manila nitong Oct. 29 na pinalaya ang mga dayuhang suspek.
Isinagawa ang operasyon ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ngunit hindi kinonsulta ang PAOCC.
“Huwag nating hayaang magpatuloy ang masasamang gawain ng mga POGO sa ating mga komunidad dahil lamang sa kakulangan ng koordinasyon,” ayon kay Gatchalian.
Base sa intelligence report, umabot pa sa 111 illegal POGO hubs ng may operasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ernie Reyes