Home NATIONWIDE 21 sa 22 tripulanteng Pinoy sa barkong inatake ng Houti nakauwi na...

21 sa 22 tripulanteng Pinoy sa barkong inatake ng Houti nakauwi na ng Pinas

MANILA, Philippines – Ligtas na nakarating sa Pilipinas ang 21 Filipino crew members ng MV Tutor bandang tanghali nitong Lunes.

Umalis sila sa Bahrain, kung saan isinakay sila ng rescue United States Navy Ship, noong Linggo. Sinamahan ni Labor Attache Hector Cruz ng Migrant Workers Office (MWO) – Al Khobar ang mga mandaragat.

Isa namang Pilipino ang nanatiling nawawala.

Bago sumakay sa Gulf Air flight GF154, binigyan sila ni Philippine Ambassador to Bahrain Anne Jalando-on Louis, MWO – Bahrain Officer-in-Charge Celia Cabadonga at welfare officer Dr. Amelito Adel Cruz ng briefing at tulong pinansyal na 192 Bahraini dinar (mga PHP30, 000).

Sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City, sinalubong sila nina Secretaries Hans Cacdac ng Migrant Workers at Ted Herbosa of Health, at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, din ang House Committee on Overseas Workers Affairs chair.

Makakatanggap ang mga seafarer ng PHP230,000 bawat isa bilang agarang tulong pinansyal mula sa Department of Migrant Workers (DMW), House of Representatives-Office of the Speaker, Overseas Workers Welfare Administration at Department of Social Welfare and Development.

Ang mga ulat ay nagsabi na ang mga rebeldeng Houthi ay nagpaulan ng mga drone at missiles sa barkong may bandila ng Liberia noong Hunyo 12 malapit sa Yemeni port ng Hodeidah.

Ang pag-atake ay nagdulot ng matinding pagbaha at pinsala sa silid ng makina.

Samantala, kailangang hanapin muna ang nawawalang crew bago magdeklara ng anuman, ani Cacdac sa press briefing.

Sinabi ni Cacdac na sinamahan niya ang pamilya ng nawawalang seafarer sa opisina ng mga may-ari ng barko sa Maynila noong Biyernes para makipagpulong sa mga opisyal.

Nagpasalamat naman ang Filipino captain ng MV Tutor na si Christian Domarique sa lahat ng naging bahagi ng rescue. RNT