Home NATIONWIDE 21 utas sa nagbanggaang 2 high-speed train sa Spain

21 utas sa nagbanggaang 2 high-speed train sa Spain

280
0

SPAIN – Dalawang high-speed train ang na-derail at nagbanggaan sa malapit sa Adamuz sa lalawigan ng Cordoba sa timog Spain noong Linggo, na ikinamatay ng hindi bababa sa 21 katao, ayon sa pulisya na nagsalita sa Reuters.

Ayon sa Adif, ang operator ng rail network ng Spain, nangyari ang aksidente bandang 6:40 p.m. lokal na oras, mga 10 minuto matapos umalis ang Iryo train mula Cordoba patungong Madrid.

Ayon sa post ng Adif sa social media, ang Iryo 6189 na biyahe mula Malaga papuntang Madrid ay na-derail at bumangga sa kalapit na riles, dahilan upang ma-derail din ang tren ng Renfe na patungong Huelva.

Iniulat ng state broadcaster Television Espanola na 100 katao ang nasugatan, 25 rito ay seryoso ang kondisyon. Kabilang sa mga nasawi ang driver ng Iryo train. Sinuspinde ng Adif ang lahat ng biyahe sa pagitan ng Madrid at Andalusia matapos ang banggaan.

May higit 300 pasahero ang sakay ng Iryo train, habang humigit-kumulang 100 naman sa tren ng Renfe. Sinabi ni Cordoba fire chief Paco Carmona na na-evacuate na ang tren patungong Madrid, habang malubha ang pinsala sa mga karwahe ng kabilang tren at may mga tao pang naiipit.

“We have to remove the bodies to reach anyone who is still alive. It is proving to be a complicated task,” ani niya.

Sinabi naman ni Transport Minister Oscar Puente na “terrible” ang impact, at naitapon sa labas ng riles ang unang dalawang karwahe ng Renfe train. Idinagdag niya na hindi pa matukoy ang eksaktong bilang ng mga biktima.

Naglagay ng reception center para sa mga pasahero sa Adamuz ang mga lokal na awtoridad, kung saan nagdala ang mga residente ng pagkain at kumot habang lumalamig ang temperatura.

Inilarawan ng ilang pasahero na umuga ang tren bago ito ma-derail, at ginamit ng iba ang emergency hammer upang mabasag ang bintana at makalabas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here