Ngayong Biyernes, Mayo 16, aabot sa 23 lugar sa Pilipinas ang inaasahang mararanasan ang “danger level” na heat index na umaabot mula 42°C hanggang 44°C, ayon sa PAGASA.
Kabilang sa mga pinakamainit na lugar ang Bacnotan, La Union; Sangley Point, Cavite City; at Infanta, Quezon, na may heat index na hanggang 44°C.
43°C
· Laoag City, Ilocos Norte
· Dagupan City, Pangasinan
· Aparri, Cagayan
· Daet, Camarines Norte
· Butuan City, Agusan Del Norte
42°C
· NAIA, Pasay City
· Tuguegarao City, Cagayan
· Baler (Radar), Aurora
· Iba, Zambales
· Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City
· TAU Camiling, Tarlac
· Ambulong, Tanauan, Batangas
· Coron, Palawan
· Cuyo, Palawan
· Legazpi City, Albay
· Masbate City, Masbate
· Juban, Sorsogon
· CBSUA-Pili, Camarines Sur
· Catarman, Northern Samar
Ang pinakamababang heat index naman ay nasa La Trinidad, Benguet na 24°C at itinuturing na “not hazardous.” Nagbabala ang PAGASA na maaaring magdulot ang mataas na temperatura ng heat cramps, heat exhaustion, o heat stroke kaya hinihikayat ang publiko na bawasan ang labas ng bahay, uminom ng maraming tubig, at magsuot ng magaan na damit.