MANILA, Philippines — Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Lunes na gawing makabago ang 25-taong Ecological Solid Waste Management Act upang mapalakas ang pamamahala sa basura at maiangkop ito sa mga kasalukuyang teknolohiya.
Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address, sinabi ni Marcos na dapat isama sa batas ang mga modernong pamamaraan gaya ng waste-to-energy at waste treatment technology.
“One systemic intervention is to update our 25-year-old Ecological Solid Waste Management Act, aligning it with modern waste management practices, such as waste-to-energy and waste treatment technology,” ayon sa Pangulo.
Ang Republic Act No. 9003 ay nagtatatag ng sistematikong programa sa pamamahala ng solid waste sa pamamagitan ng paghihiwalay, pagre-recycle, at wastong pagtatapon ng basura upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko at kapaligiran.
Ayon kay Marcos, maaaring tularan ng pamahalaan ang mga pamamaraan ng Metropolitan Manila Development Authority sa waste recovery, processing, at upcycling.
“For example, what used to be the Carmona Sanitary Landfill of the 1990s is now the MMDA Nature Park,” aniya.
“More than a multi-purpose green space, it shall soon be the base of its high-level disaster preparedness training and simulation exercises,” dagdag ni Marcos. RNT