MANILA, Philippines — Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes na alisin ang system loss charge na ipinapasa sa mga konsumer, dahil hindi na aniya dapat pasanin ng mga sambahayan ang gastos mula sa mga kakulangan sa sistema ng distribusyon ng kuryente.
Inihayag ni Marcos ang panukala sa kanyang ikalimang State of the Nation Address sa Batasang Pambansa.
“It is time to stop passing system loss charges on to consumers,” aniya.
“We demand for the immediate ammendment of EPIRA and to prohibit charging systems loss to the consumers including Value Added Tax,” giit ng Pangulo.
Ang system loss ay tumutukoy sa diperensya sa pagitan ng kuryenteng ipinapasok sa distribution system at ng aktuwal na nakukonsumo at sinisingil sa mga customer. Maaari itong dulot ng technical inefficiencies at pagnanakaw ng kuryente. RNT