Home NATIONWIDE 3 tulak ng droga sa Isabela, tiklo

3 tulak ng droga sa Isabela, tiklo

1
0

ILAGAN CITY, Isabela – Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang tatlong High Value Individuals (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Ilagan Component City Police Station (CCPS), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO2–Isabela Provincial Office, at Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) SOU 2 sa Capitol Hills Subdivision, Brgy. Alibagu dito sa nasabing lungsod.

Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial office o IPPO sa pinaigting na kamoanya sa illegal drugs ay bumagsak sa kamay ng alagad ng batas sina Alias “Bitoy,” 57 anyos, binata, tricycle driver at residente ng Capitol Hills, Brgy. Alibagu, Ilagan City; Alias “Jepoy,” 33 anyos, binata, construction worker, at residente ng Brgy. Banquero, Reina Mercedes, Isabela at Alias “Tolits,” 41 anyos na residente ng Brgy. Bliss, Ilagan City, Isabela.

Sa aktibo na pinaigting na kampanya laban sa illeg drugs ni Regional Director Gil Cesario Castro ng PDEA Region 02 ay naaresto ang mga suspek matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa isang PDEA agent na umaktong poseur-buyer kapalit ng marked money at nasamsam sa operasyon ang tinatayang 13.7 gramo ng hinihinalang shabu na may kabuuang Standard Drug Price na humigit-kumulang PHP88,000.00, kabilang ang buy-bust items at mga nakuhang drug evidence.

Narekober din ang iba’t ibang drug paraphernalia, buy-bust money, isang iPhone 11, pera na nagkakahalaga ng PHP11,805.00, at iba pang ebidensya.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11, at 12 ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here