Home NATIONWIDE 250M katao apektado ng heat wave sa US

250M katao apektado ng heat wave sa US

UNITED STATES – Inaasahang maaapektuhan ang nasa 250 milyong katao sa heat wave na kasalukuyang nararanasan sa southeastern US.

Posible ring maapektuhan na ang Midwest at northeast na bahagi ng bansa.

Ayon sa National Weather Service (NWS), ang tempratura ay mananatili sa 32 degrees Celsius o mas mataas pa at tatagal ng isang linggo, o hanggang Hunyo 26.

“The first heat wave of the summer begins Sunday over the middle of the nation, before spreading to the Midwest and to the northeast by Tuesday then lasting most of next week.”

Posible pang umabot ng hanggang 40.56°C (105°F) ang temperatura sa ilang mga lugar.

Inaasahan din na mararanasan ng Chicago, Indianapolis, Cleveland, Pittsburgh, Philadelphia, at Boston ang kanilang “hottest days of the year,” na sasabayan pa ng mataas na humidity levels.

Ang southeast US ay nakararanas ng heat dome, kung saan naiipit ng high-pressure systems ang mainit na hangin dahilan para hindi makapasok ang malamig na hangin. RNT/JGC