MANILA, Philippines – Nakatakdang lumipad patungong Myanmar ang pangalawang batch ng Philippine contingent para magbigay ng disaster response at humanitarian assistance matapos yanigin ng 7.7 lindol.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, ang 33-man team ay lilipad sa Myanmar, isang araw matapos ang inisyal na 58 contigent members na dumating sa nasabing bansa na napinsala ng lindol nitong Abril 1.
Sa kabuuang 91 Filipino workers, sinabi ni Herbosa na 32 ay mula sa DOH Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) sa ilalim ng Eastern Visayas Medical Center.
Nakatuon ang PEMAT Visayas sa pagbibigay ng acute medical care sa Myanmar, kabilang ang life support, trauma management, pharmaceutical provisions, at isolation facilities para sa mga pasyente na may communicable diseases.
Ang koponan ay magpapadala rin ng mga referrals para sa mga pasyente na nangangailanan ng advanced treatment, pakikipag-ugnayan sa higher-classified emergency medical technicians o pagsasama-sama ng mga ito sa local health system kung kinakailangan. Jocelyn Tabangcura-Domenden