Home NATIONWIDE 8 admin candidates sa ‘Magic 12’

8 admin candidates sa ‘Magic 12’

Isa si Sen. Tolentino sa nais ng mga botante na makabalik sa Senado dahil sa kanyang mahusay na track record sa pagtatrabaho.

MANILA, Philippines – WALONG kandidato ng administrasyon na Alyansa para sa Bagong Pilipinas ang pasok sa “Magic 12” ng senatorial race sa midterm elections, batay sa pinakabagong survey ng Social Pulse Philippines na isinagawa mula Marso 20 hanggang Marso 27, 2025.

Ang survey na nakakuha ng mga tugon mula sa 2500 kalahok sa buong bansa na may margin of error na +/-3, ay nag-highlight sa mga umuusbong na kagustuhan ng mga botante habang papalapit ang May 2025 midterm polls.

Pasok sa Top 12 senators (March 20-27 2025 sina): (1) Erwin Tulfo, (2) Bong Go, (3) Tito Sotto, (4) Ben Tulfo, (5) Kiko Pangilinan, (6) Bam Aquino, (7) Abby Binay, (8) Pia Ben Cayetano, (9) Francis “Tol” Tolentino, (10) Manny Pacquiao, (11) Benhur Abalos at (12) Ping Lacson.

Sumasalamin ang survey pinagsamang mga batikang mambabatas, mga personalidad sa media, at mga bagong dating sa pulitika, na nagpapahiwatig ng iba’t ibang damdamin ng mga botante.

Nagpapahiwatig ang pananatili ni Francis “TOL” Tolentino sa “Magic 12” sa pagtaas ng suporta sa kanyang mga ginagawa o isinusulong na batas sa Senado.

Matatandaang nakapasok din si Tolentino sa “Magic 12” ng pinakabagong Publicus Asia Inc. senatorial preference survey na isinagawa mula Marso 15-20, 2025, matapos ang “pag-aresto” kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nananatili ring matatag sa karera ang ilang mga dati at nanunungkulang senador—kabilang sina Bong Go, Tito Sotto, Pia Cayetano, Manny Pacquiao at Ping Lacson.

Sa loob lamang ng mahigit isang buwan bago ang 2025 midterm elections, nananatiling dinamiko ang mga kagustuhan ng mga botante, na naiimpluwensyahan ng mga pambansang isyu gaya ng economic recovery, social services at governance performance.

Ang halo ng mga dati at incumbent na kandidato ay nagpapakita na ang mga botante ay hinahanap ang track record at public engagement sa kanilang mga pagpipilian.

Patuloy na susubaybayan ng Social Pulse Philippines ang damdamin ng mga botante at magbibigay ng mga insight sa umuusbong na tanawin ng elektoral. RNT