Home METRO 3 Chinese national timbog sa pagnanakaw at pambubugbog sa kapwa Chinese

3 Chinese national timbog sa pagnanakaw at pambubugbog sa kapwa Chinese

MANILA, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Sub-station 1 ng Pasay City police ang tatlong Chinese nationals na nambugbog at ninakawan pa ang kanilang kapwa Tsino Lunes ng gabi, Agosto 26.

Kinilala ni Pasay City police officer-in-charge P/Col. Samuel Paborito ang tatlong nadakip na suspects na sina alyas Shipeng, 32; alyas You Liang, 36; at isang alyas Hai Tao, 29.

Base sa report na isinumite ni Pabonita sa Southern Police District (SPD), naganap ang pagdakip sa mga suspects bandang alas 8:40 ng gabi sa isang residential building sa Barangay 5, Pasay City.

Ayon sa salaysay ng biktimang si alyas Chenghuan, 25, binugbog siya ng tatlong suspects at pinagnakawan pa ng halagang ₱310,000 sa pamamagitan ng transaksyon sa online na gamit ang Alipay, WeChat Pay, and USTD.

Lingid sa kaalaman ng mga suspects ay nakahingi na ng tulong ang biktima sa security personnel ng naturang gusali na siya namang tumawag sa Sub-station 1 upang maireport ang insidente ng pambubugbog at pagnanakaw sa biktima.

Sa pagresponde ng mga miyembro ng Sub-station 1 ay agad na inaresto ang mga suspects kung saan nakumpiskahan ang mga ito ng dalawang folded knives pati na rin ang kanilang mga cellphone.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Pasay City police ang mga suspects na nahaharap sa patung-patong na kaso sa Pasay City Prosecutor’s Office. James I. Catapusan